NATAGPUANG patay ang dalawang lalaki sa loob ng kotse sa Cabanatuan City.
Bineberipika na ng mga awtoridad ang mga pangalan ng mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., ng Cabanatuan police na ipinaalam sa kanila ni Bgy. Valle Cruz officials tungkol sa bangkay ng dalawang lalaki sa loob ng sasakyan sa kalsada.
Natagpuan ng mga rumespondeng awtoridad ang mga biktima sa isang itim na Nissan Frontier pickup na may plate number na XPP 844 na nakaparada sa east bound bypass road.
Narekober din ng mga imbestigador mula sa loob at paligid ng sasakyan ang mga bala at isang cal. .45 baril.
Agad namang naglunsad ng “Oplan Bakod” ang Cabanatuan police at sinusuri ang CCTV footage sa lugar para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.
