Calapan City- IPINAGDIRIWANG ang World Tourism Day 2025 sa City College of Calapan nitong Setyembre 11, araw ng Huwebes kung saan itinampok ng mga mag-aaral ang pagpapamalas ng kanilang talento at kahandaan sa industriya ng turismo.
Nakiisa sina City Mayor Doy Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio sa mga tourism students na naglalayong palakasin ang partisipasyon ng mga kabataan sa pagpapaunlad ng sektor ng turismo sa lungsod.
Sa kanyang mensahe, binigyang-pugay ni Mayor Leachon ang Top 3 national finish ng City College o Calapan sa nakaraang Librarian Licensure Exam,bilang isang tagumpay ng kolehiyo na maihahalintulad sa mga nangungunang unibersidad sa bansa.
Binati rin niya ang City College na si Administrator Dr. Ronald at ang mga bagong registered librarians upang hinimukin ang lahat ng estudyante na patuloy na magsikap upang maabot ang kanilang pangarap.
Sinabi pa ng alkalde ang tagumpay ng ating mga estudyante ay tagumpay ng buong Calapan.
Ipinapakita nito na kaya nating makipagsabayan at maging huwaran sa larangan ng edukasyon at turismo.
