
Oriental, Mindoro-NAGPAABOT ng P1 milyong tulong pinansyal ang Pamahalaang Lokal ng Pasig, sa pangunguna ni Mayor Vico Sotto, sa Pamahalaang Panlalawigan. Ang donasyon ay ipinagkaloob matapos ang malawakang pinsalang idinulot ng Bagyong Opong sa lalawigan.
Malaking pasasalamat ang ipinaabot ng Pamahalaang Panlalawigan sa naturang donasyon, na inaasahang gagamitin sa pagbangon ng mga komunidad at residente na labis na naapektuhan ng bagyo.
“Nakakataba po ng puso na may mga taong handang tumulong sa lalawigan sa panahon ng pangangailangan,” ito ang naging pahayag ni Gov.Bonz Dolor mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro. “Ang donasyong ito ay malaking tulong sa ating mga kababayan na labis na naapektuhan ng bagyo.”
Ang agarang pagtugon at pagmamalasakit ng Lungsod ng Pasig ay nagpapakita ng diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan sa panahon ng kalamidad, isang inspirasyon para sa iba pang lokal na pamahalaan.Mabuhay ka Mayor Vico Sotto at ang Lungsod ng Pasig.