
ARESTADO ang isang Japanese national na wanted sa kanyang sariling bansa dahil sa pamemeke at pandaraya noong Martes ang hinuli sa isinagawang operasyon ng mga operatiba sa Bgy. Sapang Palay, San Jose del Monte City .
Timbog si alyas “Okio” ayon sa ulat kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr. ng Bulacan police.
Sa pinagsanib na mga operatiba mula sa Field Investigation and Legal Division (FILD), Technical Support Division (TSD), at Bulacan Police Intelligence Team (PIT-RIU3), sa koordinasyon ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration, San Jose del Monte City police, 1st Maneuver Platoon ng 2nd Provincial Mobile Force Company at ng suspek sa Sub-Station 7 ng Makati Police Station.
Tumulong din sa operasyon ang kinatawan ng Japanese National Police na si Atsushi Kondo mula sa Embahada ng Japan.
Si alyas “Okio” ay inaresto batay sa isang utos ng Bureau of Immigration, isang summary deportation order at isang warrant of arrest na inisyu ni Judge Ogi Kazuhiro ng Hiroshima Summary Court, para sa pamemeke ng mga pribadong dokumento, at pandaraya.
Ayon sa mga ulat, dinaya umano ng suspek ang isang consumer loan company sa Japan sa pamamagitan ng pagkuha ng cashing service card gamit ang health insurance card ng isang kasamahan na kinilalang si IMAI R.
Ang naarestong Japanese fugitive ay nasa kustodiya na ngayon ng FSU ng Bureau of Immigration para sa dokumentasyon at tuluyang deportasyon.