
ISANG pagsabog na sinundan ng apoy na tumupok sa isang pagawaan ng iligal na paputok nitong Miyerkules na ikinamatay ng dalawang lalaki sa Bgy. Partida, Norzagaray, Bulacan.
Bineberipika pa ng mga awtoridad ang mga pangalan ng mga biktima.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., ang Bulacan police , nangyari ang pagsabog dakong alas-11 ng umaga nitong Miyerkules.
Agad namang sumugod sa lugar ang mga rumespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga lokal na rescue team upang apulain ang apoy.
Matapos ang sunog ay natuklasan ng mga sumaklolo ang dalawang bangkay ng lalaki sa mga labi.
Napag-alamang sa pagsisiyasat ng mga otoridad na walang kaukulang dokumento ang pabrika at illegal.
May teorya ang pulisya na ang pagsabog ay nagmula sa mga pabagu-bagong kemikal at materyales na ginagamit sa paggawa ng mga paputok.
Ang BFP ay nakikipag-ugnayan na sa Bulacan Provincial Forensic Unit (BPFU) upang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng pagsabog .
Naka-deploy na rin ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) para mangalap ng ebidensya sa lugar ng pagsabog.