MULING nag-alburuto ang Bulkang Taal sa Batangas ngayong alas-8:00 ng umaga ngayong Linggo , ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang isang minor phreatomagmatic eruption sa Main Crater ng Bulkang Taal at nananatiling nasa alert level 1 status ang bulkan.
Nasa mababang antas ng pag-aalburuto at wala pang senyales ng malawakang pagsabog.
Naitala rin kahapon , araw ng Sabado ang isa minor eruption bandang alas-5:31 ng hapon.
Lumikha ng plume o usok na umabot sa humigit-kumulang 900 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan, batay sa kuha ng Philvols mula sa Main Crater IP Camera.
Patuloy na sinusubaybayan ang kondisyon o aktibidad ng bulkan gamit ang CCTV live feeds, opisyal na bulletins ng PHIVOLCS, at air quality monitoring .
