NASAWI ang isang 50-taong-gulang na lalaki noong Sabado sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Marikina City.
Base sa paunang imbestigasyon , sumiklab ang sunog bandang 2:03 ng umaga noong Sabado sa isang compound sa Road 3 sa Bgy. Tañong.
Ayon sa mga saksi na huling nakita ang biktima na inilalabas ang kanyang mga apo mula sa nasusunog na bahay, kabilang ang isang sanggol.
Sa kabila ng matinding apoy, naiulat na bumalik ang biktima sa kanyang bahay upang kunin ang kanyang bag na naglalaman ng pera, mga identification card at mga personal na gamit.
Naapula ng mga bumbero ang sunog bandang 2:56 ng umaga.
Natagpuan ang bangkay ng biktima sa mga kalat habang isinasagawa ang clearing operations.
Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nasa P350,000 ang pinsala ng sunog.
Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na sumira sa hindi bababa sa anim na kabahayan.
