BINAWIAN ng buhay ang isang siyam na taong gulang na batang babae matapos siyang tamaan ng kidlat sa Sarangani.
Ang biktima ay isang Grade 3 student at isang etnikong Blaan.
Ayon sa lokal na Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, naganap ang trahedya noong Huwebes sa Bgy. Upper Suyan sa Malapatan.
Base sa imbestigasyon , naglalakad pauwi ang biktima habang umuulan nang biglang kumidlat.
Agad na rumesponde ang tribong Blaan at mga tauhan ng Malapatan Municipal Police Station at natagpuan ang batang babae na nakabulagta sa lupa at wala nang buhay.
