NASAWI ang isang 27-taong-gulang na babae ang noong Lunes habang ang kanyang ka-live-in ay nasugatan sa sunog na sumiklab sa isang bahay sa Bgy. Arenas, Arayat, Pampanga.
Kinilala ng pulisya ang nasawi bilang si Reanne Cuachon, isang call center agent.
Sumiklab ang sunog bandang 5:40 ng umaga noong Lunes.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa loob ng kwarto ni Joshua Miranda, 28, isang call center agent at residente ng Purok 4, Bgy. Arenas.
Si Miranda at ang kanyang partner na si Cuachon, ay nasa loob ng kwarto nang magsimula ang sunog.
Ayon sa mga imbestigador, sumigaw ng tulong ang mag-asawa habang mabilis na kumalat ang apoy.
Agad na sumaklolo ang ama ni Miranda matapos marinig ang iyak ng kanyang anak ngunit nadatnan niyang nakakandado ang pinto.
Pwersahang niyang binuksan ang pinto at nagawang hilahin palabas si Joshua.
Samantala, naiwan si Cuachon sa nasusunog na kwarto.
Nagtamo ng mga sugat si Miranda at agad na dinala sa Greencity Medical Center sa City of San Fernando, Pampanga para gamutin.
Idineklara ng mga bumbero mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Arayat ang sunog bandang alas-7 ng umaga.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog.
