SUMUKO ang isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga tropa ng militar sa Mansalay, Oriental Mindoro nitong Huwebes, Marso 12.
Kinilala ng 203rd Infantry Brigade, 1st Infantry si Daisylyn Malucon alyas Aya sa Sitio Lamak sa Barangay Manaol, kung saan kusang-loob niyang isinuko ang isang M16 rifle at isang magasin.
Nag- udyok ang pagsuko ni alyas Aya dahil sa sobrang pagkapagod sa kanyang mga karanasan sa loob ng armadong grupo. Kaya naman nagdesisyon itong nagbalik -loob sa gobyerno matapos mapagtanto ang hirap ng buhay sa kabundukan at ang kawalang-saysay ng pagpapatuloy ng armadong pakikibaka.
Sa isang pahayag, sinabi ni Brigadier General Melencio Ragudo, Commander ng 203rd Infantry Brigade, ang pagsuko ay sanhi ng patuloy na operasyon sa seguridad sa Oriental Mindoro at sa bisa ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga komunidad sa lugar.
Sinabi naman ni 2nd Infantry Division Commander Major General Ramon Zagala na ang pagsuko ay nagpapakita ng mas malawak na trend ng paghina ng suporta para sa teroristang grupo sa buong Southern Tagalog.
Patuloy na nagsasagawa ang mga tropa ng mga operasyon sa seguridad at mga pagsisikap sa pakikipag-ugnayan sa komunidad sa lugar upang hikayatin ang mas maraming miyembro ng armadong grupo na sumuko at suportahan ang paghahangad ng gobyerno ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Southern Tagalog.
