TINATAYANG nasa apat na milyong kaso ang nakagat ng hayop ang naitala sa buong bansa habang 300 hanggang 400 Pilipino ang namamatay dahil sa rabies kada taon.
Nasa 100 porsyento ang fatality rate kapag lumitaw ang mga sintomas, ngunit ito rin ay 100 porsyentong maiiwasan kung maipapasa ang batas na magtatatag ng mga veterinary clinic sa bawat lungsod at munisipalidad na magsusulong sa pag-aampon ng mga naligaw at nakumpiskang hayop.
Kaya naman sa panawagan ni Sen. Mark Villar sa kanyang priveledge speech sa senado ngayong araw mg Miyerkules, na magkaroon ng mas mahigpit na mga hakbang upang maiwasan ang rabies at pahusayin ang mga pagsisikap sa kapakanan ng hayop sa gitna ng tumataas na mga kaso ng kagat ng hayop at mga pagkamatay na may kaugnayan sa rabies sa bansa.
Aniya, “Ang pag-iwas sa rabies ay hindi lamang isang usapin ng patakaran. Ito ay isang pinagsasaluhang responsibilidad sa pagitan ng gobyerno, mga komunidad, at bawat may-ari ng alagang hayop na nakatuon sa buhay ng tao at hayop” .
