KINUWESTYON ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos ang pahayag ng Villar family na handa nitong ipagkaloob ang lupang kailangan para sa LRT-1 Cavite Extension Project, na tinawag niyang “too little, too late.”
Ayon kay Santos, dapat ipaliwanag kung bakit ilang taon nang naaantala ang ₱64.915-bilyong proyekto kung talagang handang ipamigay ang lupa para rito.
Sinabi ng mambabatas na nananatiling problema ang right-of-way issues, kabilang ang hindi pa napipirmahang Right-of-Way Usage Agreement (ROWUA) para sa pagtatayo ng Las Piñas at Zapote stations.nabi ng mambabata
Aniya, nagkaroon na ng serye ng pag-uusap ang DOTr, LRTA, LRMC at Villar Group mula 2021 hanggang 2025 ngunit hindi pa rin nagkaroon ng pinal na kasunduan.
Hiniling ni Santos ang malinaw na paliwanag kung may kondisyon ang umano’y donasyon, lalo na’t naiulat din ang usapin sa posibleng compensation package.
Nauna nang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DOTr na resolbahin agad ang right-of-way problems upang matapos ang proyekto na inaasahang makikinabang ang libo-libong pasahero mula Metro Manila at Cavite.
