Huli sa akto ang dalawang lalaking illegal na nagpuputol ng puno sa isinagawang Oplan Kalikasan ng mga ototridad sa Barangay Natatas noong Lunes ng tanghali.
Naaktuhang bitibit pa nina Jose Salazar Rebowa at Edvil Mario Manahan Perez ang chainsaw nang salakayin ng CIDG PFU Batangas at Tanauan City Police Station .
Narekober ang 5 puno ng Mangga at chainsaw na may serial No. 18810548 na gagamiting ebidensiya laban sa kanila.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9175 Chainsaw Act of 2002 ang dalawang suspek.
