BINARIL at napatay ang acting manager ng Puerto Princesa International Airport habang papunta sa simbahan noong Pebrero 18, nitong Ash Wednesday .
Tinukoy ng mga awtoridada ng nasawi na si Joanna Jonson-Infante.
Lumalabas sa imbestigasyon na naglalakad ang biktima sa Bayview Road sa Bgy. San Pedro, Puerto Princesa City nang biglang sumulpot ang isang lalaki mula sa likuran at paulit-ulit siyang binaril bandang 5:30 ng hapon noong Miyerkules.
Mabilis namang tumakas ang gunman matapos ang pagpatay.
Itinakbo si Infante sa pinakamalapit na ospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.
Bumuo naman na ang pulisya ng isang Special Investigation Task Group (SITG) upang imbestigahan ang pagpatay at pabilisin ang pag-aresto sa suspek.
Sa isang pahayag na inilabas noong Huwebes, kinondena ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagpatay kay Infante at nanawagan sa mga awtoridad na magsagawa ng masusing at mabilis na imbestigasyon upang panagutin ang mga nasa likod ng krimen.
