HINATULAN ng guilty si Archie Alemania sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng aktres na si Rita Daniela.
Base sa desisyong ng Bacoor Municipal Trial Court in Cities Branch 2 ang 21-pahinang desisyon, hinatulan Alemania ng pagkakakulong ng mula isang buwan at isang araw hanggang isang taon at isang araw.
Nakasaad pa sa desisyon ng korte, “Based on the factual finding that the apology text of the accused referred to his actuations inside the car, he effectively admits his complicity which is analogous to voluntary admission that allowed the truthful prosecution of the case”.
Pinagbabayad rin ng korte si Alemania ng hindi bababa sa 20,000 bilang danyos, na may 6% na interes bawat taon mula sa petsa ng pinal na desisyon hanggang sa lubusan itong mabayaran.
Matatandaang nagsamapa ng reklamo si Daniela, matapos umano siyang hinalikan at hinipuan ni Alemania nang walang pahintulot. Paulit-ulit din umano siyang sinabihan ng malalaswang biro matapos ang dinaluhan nilang Thanksgiving party noong nakaraang Setyembre.
Ikinatuwa naman ng kampo ng aktres ang desisyon ng korte habang hindi naman naglabas ng pahayag si Alemania o ang kampo niya hinggil sa desisyon ng korte.
