
File photo from Kapuso Mo Jessica Soho FB Page
MASAYANG -masayang ibinalita ni Ate Gay sa kanyang FB account ang pagliit ng bukol sa kanyang leeg matapos ang ika-6 na session ng kanyang adiation therapy .
Malaki ang pagbabago at ang pagliit nito kung ikukumpara noon guna niya itong ipinakita sa publiko kamakailan.
Nakasaad sa kanyang FB post , “Hello, wala na akong bukol. Konting-konti na lang oh,”
Lubos din ang kanyang pasasalamat sa panginoon , “Thank you Lord. I love you po. Thank you,” ayon pa kay Ate Gay.
Hiniling niya noon sa doctor na alisin na o bawsan ang bukol pero hindi uubra ito dahil sa lubhang delikado ito na maaaring magkaroon ng labis na pagdurugo.
Matatandaang noong mga nakaaraang episode sa Kapuso mo Jessica Soho ay naibahagi ni ate Gay na mayroon siyang stage 4 Cancer.
Kaya naman mula noon ay bumuhos na ang tulong sa kanya