
INILUNSAD ang bagong Endoscopy at Colonoscopy unit sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) , upang mapaunlad ang pangangalagang pangkalusugan sa lalawigan ng Oriental Mindoro na ginanap nitong Hulyo 28,
Isang mahalagang hakbang ngayong taong 2025 ang pagtatayo ng nasabing pasilidad, na matagumpay na ginamit sa unang pasyente sa naturang lalawigan.
Ang unang pasyente ay isang 51-taong gulang na lalaki mula sa Barangay Palhi na may peptic ulcer, ay nakaranas ng matinding sakit sa tiyan at pagdurugo dahil sa kanyang kalagayan. Dahil sa kanyang kahirapan, kinailangan niyang sumailalim sa endoscopy sa isang pribadong ospital, kung saan nagastos ang kanyang pamilya ng mahigit P50,000.
Sa tulong ng bagong pasilidad ng OMPH, nakatanggap siya ng libreng paggamot, na nagdulot ng malaking ginhawa sa kanyang pamilya
Ang matagumpay na pagsasagawa ng procedure ay pinangunahan nina Dr. Christopher Gonzales (Internal Medicine/Gastroenterologist), Dr. Jayson Cleofas, at Dr. Taemi Shimazaki (Anesthesiologist), kasama ang dedikadong pangkat ng mga nars na kinabibilangan nina Nurse Jethro Reyes, Nurse Jermagne Dana Perlado, at Nurse Maria Christalyn Visaya.
Ang proyektong ito ay isang bunga ng pakikipagtulungan ng PGOM at RCC, at tinustusan din ng Rotary International District 3820, Rotary International District 3700, at ang Rotary Club of Daegum Kumsong mula sa South Korea.