PUMUTOK ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong Huwebes na nagdulot ng 2000-metrong abo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ang bahagyang pagsabog sa bunganga ng Kanlaon ay naganap bandang 4:39 p.m. na tumagal ng dalawang minuto.
Ang maitim na kulay abo ay dinala patungong timog-kanluran, kasunod ng pagbagsak ng pyroclastic density pababa ng bulkan hanggang isang kilometro.
Sinabi ng lokal na pamahalaan ng Canlaon City sa Negros Oriental na handa itong magpadala ng mga response team at logistics kasunod ng pagsabog ng Kanlaon.
Handa rin ang lungsod na ilikas ang mga residente mula sa mga barangay malapit sa bulkan kung ng mga awtoridad, tulad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) o ng Office of Civil Defense (OCD).
Nanatili ang Alert Level 2 sa Bulkang Kanlaon.
Mahigpit rin na ipinagbabawal ng mga awtoridad ang pagpasok sa 4-km na permanent danger zone.
