NAG-INSPEKSYON ang land Transportation Office sa iba’t ibang bus terminals sa Quezon City kahapon ng umaga upang masiguro ang kaligtasan ng mga maglalakbay sa darating na Undas.
Personal na sinuri ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang mga terminal na Jac Liner, Victory Liner, Five Star, Superlines, Alps, at DLTBCO, bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2025.
Titiyakin ang kahandaan ng mga terminal at mga pampasaherong bus sa pagdagsa ng mga biyahero gayundin ang pagsunod sa mga itinakdang alituntunin para sa ligtas, maayos, at disiplinadong paglalakbay ng publiko.
Ipinag-utos rin ng Lacanilao sa ibat ibang rehiyon ng bansa upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga biyahero saan mang panig ng Pilipinas.
Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at isinagawa sa patnubay ni DOTr Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez.
