
ISANG 21-anyos na college student ang nagpakamatay umano sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng simbahan sa Iloilo.
Ang biktima ay residente ng Calinog, Iloilo at isang Business Administration student sa Passi City College.
Tama ng bala sa ulo ang kanyang agarang ikinimatay.
Sinabi ng mga saksi sa pulisya na nakita nilang dumating ang biktima sakay ng tricycle at pumasok sa simbahan bandang alas-7 ng umaga noong Miyerkules.
Ilang sandali pa, sinabi ng isang caretaker ng simbahan na narinig niya ang isang putok ng baril na nag-udyok sa kanya upang suriin ang pinanggalingan.
Laking gulat ng katiwala ng simbahan nang makitang duguan ang ulo ng binate kaya naman agad siyang humingi ng saklolo.
Naisugod pa sa malapit na ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
Narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang isang note kung saan humingi ng tawad ang estudyante sa kanyang pamilya at ibinigay ang PIN code ng kanyang dalawang mobile phone.
Kinumpirma ng mga miyembro ng pamilya na nakabase sa Metro Manila, sa mga awtoridad na posibleng mga personal na problema ang nagtulak sa biktima na wakasan ang kanyang buhay.
Ang isang pagsisiyasat ay nagpakita na hindi ito ang unang pagtatangka ng binata.
Batay sa tala, tinangka na ng biktima na wakasan ang kanyang buhay noong Oktubre 2022.
Ang Passi City College, sa isang pahayag, ay nagluksa sa pagkawala ng isa sa mga estudyante nito. Nabatid na maayos ang pasok ng biktima sa paaralan bago ito mamatay.