
PATAY ang driver habang lima naman ang sugatan nang bumangga ang isang gas tanker truck na nawalan ng preno at nagliyab sa kahabaan ng Maharlika Highway s, Barangay Ilaya , Atimonan sa lalawigan ng Quezon kaninag umaga.
Ayon sa paunang imbestigasyon, habang binabaybay ng gas tanker ang naturang lugar ay napansing nawalang ito ng preno dahil sa pagkiskis ng preno na naging dahilan ng pagdausdos hanggang sa tumagilid at paglilyab sa highway .
Nadamay ang isang tricycle at tatlong iba pang sasakyan na na malapit sa lugar.