
NILAMON ng apoy ang ikatlong palapag ng gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa EDSA corner NIA Road, Bgy. Pinyahan sa lungsod ng Quezon.
Sumiklab ang sunog dakong alas-12:30 ng tanghali nang tupukin ang tanggapan ng DPWH Bureau of Research and Standards (BRS), na nagsasagawa ng pananaliksik, pilot testing at policy development para sa mga proyektong imprastraktura ng gobyerno.
Nawasak din ng sunog ang mga opisina ng Materials Testing Division, Technical Services Division, at ang storage room ng Standards Development Division.
Mahigit 60 trak ng bumbero ang rumesponde para tumulong sa pag-apula ng apoy.
Base sa inisyal na pagsisiyasat , kabilang sa mga nasunog ay ang mga dokumento, kompyuter, mesa sa opisina, at iba pang kagamitan.
Ang sunog ay umabot sa ikatlong alarma at idineklarang fire out pasado alas-2 ng hapon ng araw ring iyon.
Patuly ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagsimulan ng sunog.
Samantala, inatasan na ng Office of the Ombudsman ang National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Fire Protection (BFP) na magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.