ISANG aktibong pulis ang inaresto ng kanyang mga kabaro makaraang ituro siya ng biktima na kanyang hinoldap na mga tauhan sa isang convenience store sa Quezon City.
Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na may ranggong patrolman at miyembro ng QCPD .
Ikinagulat ng suspek ng arestuhin siya mismo sa loob ng Camp Karingal habang naka-duty, bandang alas-9:35 ng umaga nitong Linggo.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya , nagreklamo ang isang branch ng 7/11 na hinoldap ng suspek noong Oktubre 23 bandang ala-1 ng madaling araw sa Banawe Street .
Namukhaan ang suspek nang holdapin nito ang isang convenience store habang tinutukan ng baril ang cashier. Nakuha ng suspek ang nasa P2,000 kita ng convenience store saka agad na tumakas sakay ng kanyang motorsiklo.
Inamin ng suspek na pulis na sideline niya umano ang pagmamaneho bilang ride-hailing app.
Mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang suspek na pulis.
