INALIS na ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang pagbabawal sa pag-aangkat ng mga domestic at wild birds, gayundin ang mga poultry products mula sa France.
Iniutos ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. memorandum order no.13 kung saan ay na-lift na ang pagbabawal matapos ang opisyal na ulat mula French veterinary ng World Organisation for Animal Health (WOAH) na kung saan natapos na ang outbreak nitong Pebrero 2025.
Ang pag-alis ng pagbabawal ng importasyon ay inaasahang magpapagaan ng tensyon sa kalakalan at suportahan ang industriya ng manok, na naapektuhan ng mga paghihigpit.
Binigyang-diin ng DA ang patuloy na pagsubaybay sa lahat ng mga papasok na kargamento, na may mahigpit na mga protocol sa quarantine upang matiyak ang biosecurity ng bansa .
Matatandaan mahigpit na pinagbawalan ang pag-angkat ng mga manok mula sa Pransya, kabilang ang karne ng manok, mga day-old chicks , itlog, at semilya dahil sa outbreak.
