
BINUKSAN ngayong weekend sa City Plaza ng Calapan ang Kalap-Kulinarya Night Market: Acoustic Night & Mini Night Market, isang programa sa ilalim ng Kalap-Kulinarya Food Caravan 2025 na naglalayong ipamalas ang lokal na pagkain at local na banda kasabay ang pagbuhay muli ng plaza bilang pasyalan ng pamilya at kabataan.
Ang proyekto ay isang hakbang upang higit pang pasiglahin ang turismo sa Calapan City. Layunin ng Kalap-Kulinarya na ipakita ang yaman ng kultura at talento ng lungsod.
Tampok sa unang gabi ang live acoustic band, mga putaheng lokal mula sa iba’t ibang food stalls, at malamig na sari-saring inumin na nagpuno ng kasiyahan sa plaza.
Maraming pamilya at grupo ng kabataan ang dumalo at nag-enjoy sa chill vibes at masayang kapaligiran.
Isinasagawa ang Acoustic Night & Mini Night Market nitong Biyernes at Sabado at dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko, inaasahan itong magkakaroon ng re-runs simula November 15 hanggang Pasko.
Sa ganitong paraan, nakikita ang Kalap-Kulinarya bilang hindi lang venue ng kasiyahan, kundi isang estratehiya para gawing pangunahing destinasyon ang Calapan pagdating sa kultura, pagkain, at kasiyahan.