
AABOT sa limampung (50) katutubo ang sinanay ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA- 4A) Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ukol sa produksyon ng ube ng noong ika-3 hanggang ika-4 ng Setyembre 2025 sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal.
Layon ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga miyembre ng Kataas- taasang Pamunuan ng mga Dumagat ng Antipolo (KAKSAAN NE DUMAGET DE ANTIPOLO) Inc. sa tamang pagtatanim at pangangalaga ng ube upang magsilbing dagdag kabuhayan sa kanilang komunidad.
Pinangunahan ni Ms. Ginalyn D. Bocaya, Science Research Specialist II, ang serye ng pagsasanay na tumalakay sa mga ube production practices kabilang ang pagpili ng de-kalidad na binhi, wastong pamamaraan ng pagtatanim, pamamahala sa peste at sakit, tamang pagpapataba, at pag-aani.
Nagkaroon din ng talakayan at pagbabahagi ng karanasan upang higit na maunawaan ng mga kalahok ang mga Teknik o pamamaraan sa pagsasaka.
Ayon kay Reynaldo Doroteo, Chairman ng KAKSAAN NE DUMAGET DE ANTIPOLO INC., malaki ang tulong sa kanila ang pagsasanay na ito upang mas maging produktibo ang kanilang samahan sa pagnenegosyo. Lubos ang kanyang pasasalamat sa Kagawaran dahil sa itinurong kabuhayan upang pagkakitaan ang ube.