
SA kauna-unahang pagkakataon na isasagawa ng lokal na pamahalaan ng lungsod Quezon ang pagdiriwang ng Mooncake Festival (Mid Autumn Festival) sa Z Mall sa darating na Linggo.
Sa isinagawang press conference ngayong Huwebes, ibinahagi ng lokal na pamahalaan na ang selebrasyon ng Mooncake Festival ay isa rin sa mga inisyatibo ng lungsod para maitaguyod ang Quezon City Chinatown sa Banawe bilang isa sa mga tourism district ikalawa sa pinakamahalagang selebrasyon ng mga Filipino-Chinese
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ibat-ibang programa at pakulo sa gaganapin sa festival kung saan ay may cultural performances, Giant Mooncake Display, Record Breaking Traditional Dice Game, Lantern Show, Evening Act, at mga instagrammable na gallery.
May mga ilang artista rin inimbita sa festival upang magpakita ng special perfomances nina Richard Yap at Mccoy de Leon.
Kabilang sa mga dumalo sa pressconference sina QC Association of Filipino-Chinese Businessmen Inc. President Rorvik Cheng, mga kinatawan ng QC Chinatown Development Foundation Inc., at mga opisyal at department head ng lokal na pamahalaan.
Kaya naman inaanyayayhan sa darating na Linggo ang mga QCitizens na isama ang buong pamilya at makisaya sa Mooncake Festival .