TUMATAGINTING na P4-milyong halaga ng mga alahas ang nanakawan sa isang pawnshop sa Calatagan, Batangas .
Ayon sa salaysay ng isang empleyado , natuklasan niya ang pagnanakaw noong Lunes ng umaga, Abril 6, nang siya ay pumasok sa trabaho.
Nakita rin niya sa lugar ang isang hinukay na lupa sa ilalim ng mesa at sementadong sahig
Tumambad rin ang nakabukas na vault doon kung saan nakalagay ang mga alahas .
Nawawala ang mga alahas na tinatayang nagkakahalaga ng P4 milyon .
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakapasok ang mga suspek sa pamamagitan ng paghuhukay at pagdaan sa isang kanal na kalapit na lugar.
