PINASINAYAAN ang Small Water Irrigation Project (SWIP) noong ika-23 ng Oktubre 2025 sa Pitogo, Quezon na aabot sa ₱44,544,249.47 ang halaga ng proyekto na magsisilbing imbakan ng tubig-ulan na maaaring gamitin bilang alternatibong patubig sa mga pananim na palay at iba pang high-value crops.
Sa pangunguna ni Department of Agriculture IV-A CALABARZON (DA-4A) Regional Executive Director Fidel Libao, katuwang ang Rice Program at Regional Agricultural Engineering Division (RAED), pormal na tinanggap ng Ilayang Burgos Farmers Association kasama ang 43 magsasaka .
Makakatulong ang proyekto na magkakaroon ng tuloy-tuloy na suplay ng irigasyon sa lugar upang mapalago ang produksyon at matiyak ang sapat na suplay ng tubig para sa 120 ektaryang sakahan sa munisipalidad ng Pitogo, na inaasahang magdudulot ng mas mataas na ani at mas matatag na kabuhayan para sa mga lokal na magsasaka.
Lubos ang pasasalamat ni Nolito Portades, pangulo ng Ilayang Burgos Farmers Association, sa malaking tulong at suporta na hatid ng kagawaran at ng proyekto sa kanilang mga hanapbuhay lalo na sa panahon ng tagtuyot.
