
NASAKOTE sa isang joint entrapment operation ang tatlong indibidwal dahil sa pagbebenta ng mga hindi rehistradong pataba at agricultural growth hormones ng nagkakahalagang nasa P475,000 nitong Agosto 13 sa Aritao, Nueva Vizcaya.
Ang operasyon ay isinagawa ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at Aritao Municipal Police kasunod ng mga ulat ng ilegal na pagbebenta ng mga produktong pang-agrikultura na hindi awtorisado ng FPA.
Arestado sina Jemuel, 34; Aiza, 36; at Fernando, 45—pawang residente ng Guimba, Nueva Ecija.
Binigyang-diin ni FPA Executive Director Glenn Estrada ang mga nakumpiska ay 40 bote ng 250-milliliter Morbunga vitamin fertilizer, 80 bote ng 250-milliliter Kill, 24 na bote ng 500-milliliter Berde Super Growth Hormones, at 80 bote ng 250-milliliter Long Death.
Pinuri ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang pagsusumikap sa pagpapatupad ng pagbebenta ng illegal na naturang unregulated na mga produkto.
Idinagdag niya na ang pagsugpo ng FPA sa pagbebenta ng mga iligal na pataba at pestisidyo ay sumusuporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang operasyon ay pinangunahan ni PCpl Elmer C. Dona-al, na nagsilbing investigating officer, kasama si PSsg Glenn B. Migano bilang arresting officer at poseur buyer.