
NAHARANG ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang tatlong (3) unclaimed parcels na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga na tinatayang may halaga na ₱8,839,600 sa warehouse sa Pasay City noong Setyembre 25, 2025.
Ang mga parcels ay unang idineklara bilang mga electronic equipments at garments ngunit natuklasan sa pisikal na inspeksyon kaya isinalang sa x-ray machine at sumailalim sa K-9 sweeping.
Napag-alaman na ang isang parsel ay may nakatagong 992 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, habang ang dalawa pang parsel ay naglalaman ng pinagsamang 1,396 gramo ng high-grade marijuana o kilala bilang kush.
Ang mga nasabat na ilegal na droga ay ilalagay sa kustodiya ng BOC-NAIA sa Collector’s Corral habang nakabinbin ang confirmatory laboratory testing at karagdagang imbestigasyon.
Kapag napatunayan ang mga may-ari ng parcel ay mahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act), partikular sa Section 1400 (Misdeclaration), Section 1401 (Unlawful Importation and Exportation), at Section 117 (Regulated Importation and Exportation), kaugnay ng Section 1113 (f), pati na rin ang Republic Act No.Compresive Act No. 2002.