NAKUMPISKA ang tinatayang halagang Php 910,000 ng pinagsanib pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang nasa 65 master cases ng mga ilegal na sigarilyo sa Sitio Agro, Barangay Marangas, Bataraza, Palawan, noong ika-23 ng Pebrero 2024.
Batay sa ulat, nakatanggap ang mga otoridad ng impormasyon mula sa isang impormante hinggil sa mga kontrabandong produkto kaya agad na nakipagtulungan ang PNP sa Coast Guard Station Southern Palawan (CGSSP) upang isagawa ang special operation sa nasabing lugar.
Nang matuntun angb lugar natuklasan ang mga iniwang master cases sa loob ng isang maliit na bodega malapit sa baybayin ng Sitio Agro.
Sa ngayon ay patuloy na sinusuri , ini-iimbentaryo, at profiling ang mga nasamsam na kagamitan bago ito ipasa sa Bureau of Customs (BOC) para sa tamang pag-disposition.
Inaalam na rin ang mga indibidwal na sangkot sa ilegal na operasyon.
