
IPINANUKALA sa senado ang batas ang pagbibigay ng 14th month pay ng mga employer sa pribadong sektor para sa kanilang mga manggagawa bilang karagdagan sa umiiral na 13th month pay.
Inihain ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang hakbang na ito ay magpapagaan sa pasanin ng pagtaas ng mga gastos at makakatulong sa mga pamilyang Pilipino na makayanan ang mga gastusin sa edukasyon.
Noong 1976 pinagtibay ang Presidential Decree No. 851 na nag-aatas sa lahat ng employer na bayaran ang kanilang mga empleyado ng 13th Month pay.
“Pagkalipas ng halos limang dekada, ang pangangailangan at halaga ng pamumuhay ng bawat manggagawang Pilipino ay nagbago nang husto, kaya ito na ang tamang panahon para matanggap ng mga empleyado sa pribadong sektor ang kanilang 14th month pay,”ayon kay senador Sotto.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang 13th month pay ay dapat ilabas sa Hunyo 14 para matulungan ang mga manggagawa sa mga gastusin sa pag-aaral para sa kanilang mga anak, habang ang 14th month pay ay dapat ibigay nang hindi lalampas sa Disyembre 24 upang tulungan ang mga pamilya sa holiday at year-end na gastos.
“May mga exemption ang panukalang batas para sa mga kwalipikadong employer para hindi mabigatan ang mga naghihirap na negosyo dahil pareho silang mahalaga para sa ating ekonomiya,” dagdag ng senador.
Sakop ng iminungkahing batas ang lahat ng non-government rank-and-file na empleyado, mga manggagawa sa ilalim ng Kasambahay Law, at iba pa na may karapatan na sa 13th month pay, kung sila ay nagtrabaho nang hindi bababa sa isang buwan sa taon ng kalendaryo.
Gayunpaman, ang mga distressed na kumpanya, mga non-profit na institusyon na dumaranas ng malaking pagbaba ng kita, at ang mga employer na nagbibigay na ng 14th month pay o katumbas nito ay hindi kakailanganing magbigay ng karagdagang sahod sa ilalim ng panukalang ito.