
Calapan City- PORMAL nang naitalaga ni Acting Chief of Philippine National Police (PNP) PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez, Jr si Acting Regional Director ng PRO MIMAROPA si BGen. Jovencio S. Badua Jr. bilang Acting Regional Director ng PRO MIMAROPA kapalit ni BGen. Roel C. Rodolfo., ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 8, 2025.
Sinaksihan si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang isinagawang seremonya bilang pagpapakita ng buong suporta sa bagong pamunuan nito.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni PLtGen. Nartatez si Gobernador Dolor sa ipinakita nitong katapangan sa paglaban sa katiwalian partikular sa maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Aniya pa, makakaasa ang Pamahalaang Panlalawigan ng buong suporta mula sa kapulisan upang masigurong mananagot ang lahat ng mga sangkot dito.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng kapulisan at komunidad, gayundin ang pagiging mas pro-active sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.
Samantala, sa kanyang pamumuno, paiigtingin ni BGen. Badua, Jr. ang paggamit ng barangay Information Networks, Barangay Peacekeeping Action Teams at iba pang stakeholders upang isiguro ang kaligtasan at kaayusan sa komunidad.
Ipinahayag din niya na handa siyang makipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro upang higit pang mapalakas ang mga inisyatiba at programa laban sa kriminalidad, kampanya laban sa ilegal na droga at pagpapaigting ng seguridad para sa mas maayos at ligtas na komunidad.