
GUMUHO ang isang tulay sa Alcala, Cagayan habang tumatawid ang isang 18-wheeler trailer truck na may kargang palay bandang alas-5:30 ng hapon , nitong Lunes.
Ang Piggatan Bridge sa bayan ng Alcala na itinayo noong 1974 at kasamang bumigay habang dumaraan ang ilang 10-wheeler truck.
Walang naiulat na pinsala makaraang agad dumating sa lugar ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Philippine National Police-Alcala, at Bureau of Fire Protection (BFP) para magsagawa ng rescue at clearing operations.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagguho ng tulay.
Kasunod ng pagguho, ang mga motorista ay napipilitang dumaan sa mas mahabang ruta sa Gattaran, Baggao, o Peñablanca, kung saan ang oras ng paglalakbay ay maaaring tumagal ng ilang oras, ayon sa mga awtoridad.