NAPATAY sa pamamaril ng mga nakamotorsiklong gunmen ang isang pulis noong Sabado ng gabi sa Pasay City.
Ang nasawing biktima ay natukoy na si Police Staff Sergeant Jomar Caliguiran, 39 anyos .
Dalawang bystanders, edad 31 at 64, ang nasugatan matapos silang tamaan ng ligaw na bala sa pamamaril.
Agad namang dinala sila sa Manila Adventist Medical Center para gamutin.
Naganap ang insidente sa Taft Avenue corner Primo Mayo St., Pasay City alas-8 ng gabi noong Sabado.
Sakay ng kanyang motorsiklo si Caliguiran sa harap ng isang establisyimento nang pagbabarilin ng isa sa mga suspek.
Kahit na sugaan ang biktima ay nagawa pa nitong gumanti ng putok.
Tumakas ang gunman sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng isang kasabwat matapos ang pamamaril,
Isinugod ng mga saksi si Caliguiran sa Pasay City General Hospital, kung saan idineklara itong patay alas-8:35 ng gabi.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon.
