
DINALA sa pampublikong ospital ang nakadetineng religious leader na si Apollo Quiboloy matapos makaranas ng hirap sa paghinga, kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Martes.
Sinabi ni Superintendent Jayrex Bustinera, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sa isang pahayag nitong Martes, Setyembre 30, na isinugod si Quiboloy mula sa Pasig City Jail patungo sa isang pampublikong ospital noong Setyembre 11.
Sinabi ng BJMP spox na si Quiboloy ay na-diagnose na may community-acquired pneumonia (moderate risk).
Nitong Martes, sinabi ng BJMP na nananatiling naka-confine si Quiboloy ngunit nasa stable condition at nagpapagaling.
Ang nagpapakilalang son of god ay nahaharap sa isang non-bailable qualified human trafficking charge sa ilalim ng Section 4(a) ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, sa Pasig court .
Ang religious leader ay nahaharap din sa mga kaso sa ilalim ng Section 5(b) at Section 10(a) ng Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.