LEYTE Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez on Sunday urged Filipinos to use the Holy Week as a time for prayer, reflection and renewal, emphasizing the need for healing and unity amid ongoing challenges.
“Ang Semana Santa ay panahon ng panalangin at pagninilay. Panahon ito ng pag-alala sa dakilang pag-ibig ng Diyos—isang pag-ibig na nagligtas sa atin, nagbigay ng pag-asa, at patuloy na umaakay sa atin pabalik sa Kanya,” Romualdez said.
Romualdez said moments of silence and reflection serve as a reminder that “hindi tayo nag-iisa, na may Diyos na patuloy na kumikilos sa ating buhay.”
The House leader also underscored the importance of introspection, especially in times of conflict and hardship.
“Sa gitna ng mga sigalot at suliranin na ating kinakaharap, nawa’y magsilbing paanyaya ang mga araw na ito upang tayo ay huminto, magnilay, at magbalik-loob,” he said.
Romualdez called on the faithful to examine their hearts and shortcomings, and to rediscover compassion and forgiveness.
“Panahon ito upang suriin ang ating mga puso, ang ating mga pagkukulang, at ang mga pagkakataong tayo ay nagkulang sa pagmamahal. Nawa’y sa katahimikan ng panalangin, matagpuan natin ang lakas na magpatuloy, ang tapang na magpatawad, at ang pusong handang magmahal muli—lalo na sa mga panahong pinakamahirap gawin ito,” he added.
He likewise expressed hope that the observance of Holy Week would bring healing not only to individuals but also to families and the nation.
“Nawa’y ang Semana Santa ay maging panahon ng paghilom—hindi lamang para sa ating sarili, kundi para sa ating mga pamilya, lipunan, at buong bayan,” Romualdez said.
He noted that amid divisions, distrust and ongoing trials, the occasion offers an opportunity to rebuild relationships and strengthen unity.
“Sa gitna ng mga sugat na dulot ng pagkakahati-hati, kawalan ng tiwala, at mga pagsubok na ating dinaranas, nawa’y magsilbi itong pagkakataon upang muling buuin ang ugnayan at pagkakaisa,” he said.
Romualdez added that the resurrection of Christ should inspire renewed hope, faith and concern for others.
“At sa muling pagkabuhay ni Kristo, nawa’y muling mabuhay sa atin ang pag-asa, pananampalataya, at malasakit sa isa’t isa, upang sama-sama nating tahakin ang landas tungo sa mas maayos at makataong kinabukasan,” Romualdez said.
