
PRAYORIDAD ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaligtasan at kapakanan ng mga residenteng naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol na tumama sa Davao Oriental noong Oktubre 10 kaya naman inatasan ang lahat ng kinauukulang ahensya sa frontline na magtrabaho sa lahat ng oras upang magsagawa ng rescue at relief operations.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez sinabi nitong Sabado, “Ang pinaka-inaaalala ng Pangulo ay ang kaligtasan at kagalingan ng ating mga tao sa mga lugar na tinamaan ng lindol,” .
“Sa utos ng Pangulo, ang lahat ng kinauukulang ahensya sa frontline ay inatasan na magtrabaho round-the-clock upang magbigay ng rescue at relief operations,” diin ni Gomez.
Kahit na sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang koneksyon ang 7.4 magnitude na lindol na tumama sa Davao Oriental noong Oktubre 10 sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu noong Setyembre ay patuloy pa ring inatasan ang mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng tulong sa lahat ng lugar na naapektuhan ng lindol.