MAGANDANG balita para sa mga senior citizen ng Calamba, Laguna.
Simula Enero 8, 2025, maaari nang manood ng mga pelikula nang libre ang mga senior citizens sa lungsod sa SM Cinema Calamba.
Kinakailangan lamang na ipakita ng mga senior sa SM cinema ticket booth ang kanilang valid senior citizen ID at movie pass booklet na inisyu ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) Calamba para maka-avail ng libreng pelikula.

Ang isang senior citizen ay maaaring manood ng mga pelikula dalawang beses sa isang buwan mula Lunes hanggang Biyernes at limitado lamang sa mga 2D na pagpapalabas ng pelikula.
Ang programa ay inilunsad ng local government unit sa pakikipag-ugnayan sa SM City Calamba.
Inihayag din ng LGU na sa lalong madaling panahon, matatanggap na ng mga seniors sa Calamba ang kanilang social pension.
