PAPASOK ang renewable energy sa grid, na magbibigay ng matatag na supply ng kuryente para sa mga industriya at kabahayan matapos ang pagsasapribado ng Caliraya-Botocan-Kalayaan Hydroelectric Power Plants (CBK HEPP) .
Patunay ito na tiwala pa rin ang mga mamumuhunan sa sektor ng enerhiya ng bansa matapos ganapin ang turnover ceremony ng CBK HEPP sa Kalayaan, Laguna nitong Lunes na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr..
Ang privatization ay nagkakahalaga ng mahigit Php36.27 bilyon na magbibigay-daan upang mailaan ang pondo sa mahahalagang pangangailangan ng publiko tulad ng silid-aralan, kalsada, at mga ospital.
“Ipinapakita rin nito kung paano nagiging maaasahang serbisyo ang pamumuhunan sa imprastruktura kapag pinagsama ang lakas ng publiko at pribadong sector, sabi pa ni Pangulong Marcos.
