
PERSONAL na dinaluhan ni Vice President Sara Duterte ang pagdiriwang ng World Pandesal Day sa Kamuning Bakery Café sa Quezon City ngayong araw, October 16, 2025.
Bilang guest of honor, nakiisa si VP Sara sa pamamahagi ng libre at masustansyang pandesal bilang simbolo ng malasakit, pagkakaisa, at laban kontra sa isyu ng kagutuman sa bansa.
Kasabay nito, ipinagdiriwang din ngayong araw ang United Nations World Food Day, na naglalayong palawakin ang kamalayan tungkol sa food security at hunger awareness sa Pilipinas.