
BINUKSAN ang isang Exhibit sa Museo ni Malvar kung saan nagpapakita ng kasayasayan ng Sto. Tomas bilang isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng ‘citrus fruit’, partikular ang sintunis.
Tanyag din dito ang isang uri ng nasabing prutas na ipinangalan sa ating bayani na si Gen. Miguel Malvar, ang ๐๐๐ซ๐๐ง๐ฃ๐ข๐ญ๐ ๐๐๐ฅ๐ฏ๐๐ซ.
Kalakip ng programang ito ay naganap din ang isang training seminar tungkol sa iba’t ibang klase ng pagtatanim ng mga nabanggit na prutas, kasama ang mga kasaysayan nito at ang ksalukuyang ginagamit na mga proseso para sa pagpapa-unlad ng iba’t ibang bungang kahoy.
Ang programang ito ay pinangunahan ng Museo ni Malvar kasama ang National Historical Commission of the Philippines, na naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan rin ng Lokal ng Pamahalaan ng Sto. Tomas, sa pangunguna ni City Mayor Arth Jhun Aguilar Marasigan, sa pamamagitan ng City Agriculture Office. Ang aktibidad ring ito ay dinaluhan ng iba’t ibang organisasyon ng mga magsasaka, at mga kabataan sa Lungsod.