May 24, 2024

The Insider News

Direct from the source

12 bloke ng marijuana, nasabat sa Rizal

Ni Alex dela Cruz

KUMPISKADO sa apat na kalalakihan ang 1.2milyong pisong halaga ng Marijuana sa isang buy-bust operation ng Rizal PNP  noong  Sabado  ng madaling -araw.

Base sa ulat kay Rizal Provincial Director Pol.Col Dominic Baccay , kinilala ang apat na suspek na sina Anjo Anselmo ,Jomari Pascual, Errol Fritz Santiago at Lorenzo Catalon.

Sa koordinasyon ni  PDEA 4A  , Chief PIU PLt.Col. Al-Rieza Kinang, ikinasa ang operasyon ng Rizal Provincial Intelligence Unit at Rodriguez Municipal Police Station bandang alas 12:40 ng madaling araw noong Huwebes sa Blk 22 Lot 4 South Ville 8A  Brgy. San Isidro , Rodriguez Rizal makaraang itimbre ng isang impormante.

Isang alyas boss at kanyang kasamahan ang talamak na nagbebenta at nagpapakalat ng marijuana sa kanilang lugar kaya agad na nagpanggap ang isang pulis na poseur buyer.

Huli sa kamay ng mga suspek ang 12 kilong bloke ng  Marijuana  na tinatayang may halagang 1,228,000.00 piso.

Bukod pa rito, kumpiskado rin ang 1 pirasong resealable stand-up pouch, ibat ibang klase ng plastic,5 pirasong 1000 boodle money, 1 pirasong 1,000 bill, 1 pirasong 500 pesos,5  tag 100 pesos at isang digital weighing scale .

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec 5 and 11 Article II of RA 9165.