IPAPATUPAD ang alternative work arrangements sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning modes sa mga paaralan sa Metro Manila at 14 na lalawigan ngayong Agosto 18, 2026.
Batay sa Memorandum Circular No. 128, sakop ng direktiba ang NCR, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna at Occidental Mindoro.
Sa mga lugar na ito, maaaring magpatupad ng naaangkop na alternative work arrangements ang mga government office.
Para naman sa mga public at private school, ipatutupad ang alternative learning modes para sa lahat ng antas, maliban kung may ibang direktiba mula sa kani-kanilang local chief executive.
Gayunman, tuloy ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng publiko.
Samantala, ang suspension ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements sa pribadong sektor ay nakasalalay sa desisyon ng management.
