May 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

18-anyos napatay ng kaaway ni bayaw dahil sa pagsusuot ng damit nito

Ni Alex dela Cruz

Pinagbabaril hanggang sa napatay ng dalawang  kalalakihan ang isang 18-anyos habang nakikipag-usap sa telepono sa Dasmarinas ,Cavite noong Lunes.

Dead on Arrival ang biktimang si Luis Daniel Frianela na residente ng Barangay Paliparan 3 nang may biglang dumating na dalawang kalalakihan saka ito pinagbabaril sa labas ng kanilang bahay.

Ayon kay Police chief Lt .Col Juan Oruga, maaaring mistaken identity ang nangyari dahil sa ang target ng mga gunmen ay ang bayaw nito.

 Base sa salaysay , napaaway sa paglalaro ng billiards ang kanyang bayaw sa mga tinukoy na sina alyas Payat at Hudas noong Disyembre 9.

Dahil sa kapareho ng suot na damit ng biktima at ng bayaw kaya napagkamalan ito.

Pinag-aaralan pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga pumaslang sa biktima.