
Rosales, Pangasinan – MATAGUMPAY na isinagawa ang kauna-uanahang operasyon para sa katarata sa labingwalong pasyente mula sa iba’t-ibang lugar ng 6th ditrict o eastern part ng probinsya ng Pangasinan noong Mayo 7, 2025 sa bagong bukas na Eye Center ng Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center (CFERMTC) na matatagpuan sa Brgy. Carmay East, Rosales, Pangasinan
Pormal ng binuksan ngayong buwan ang bagong pasilidad na ito sa nasabing pagamutan.
Ipinagmalaki naman ni Medical Center Chief Emerson B. Patawaran ang bagong serbisyong maibibigay ng pasilidad at sinabing handa itong magbigay ng libreng serbisyo para sa mga mahihirap na residente na may mga problema sa kanilang paningin.
“Pangunaying layunin ng ating eye center ay makapagbigay ng pag-asa at malinaw na paningin sa mga pasyenteng may katarata, kabilang na rito ang mga kababayan nating walang kakayahang makapagpagamot dahil sa kakulangan sap era,” dagdag pa niya.
“Providing quality eye care services to the people at mapalawak ang libreng serbisyong medikal sa mga komunidad ang layunin ng CFERTMC,” pagsasaad pa ni Patawaran.
Ang mga serbisyong binibigay sa eye center ay ang mga sumusunod: comprehensive eye check-up, Ishihara Test for color blindness, screening for cataract, glaucoma, diabetic etinopathy and age related macular degeneration, optical coherence tomography (OCT), perimetry, B-Scan at biometry.
Ang oras at araw ng konsultasyon ay tuwing Lunes mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Sinabi naman ni Regional Director Paula Paz M.Sydiongo na patuloy ang Departmentof Health (DOH) sa pag upang mapabuti at gawing makabago ang mga gamit at serbisyong pangkalusugan sa mga pampublikong hosptal sa rehiyon upang makapagbigy ng mas magandang serbisyo para sa mga pasyente.