DALAWANG bata ang natagpuang patay sa loob ng isang iniwang sasakyan sa Sto. Tomas, Pampanga noong Lunes.
Batay sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ng Pampanga police, ang mga biktima ay magkapatid na edad 5 at 6, at naninirahan sa Brgy. Moras dela Paz sa Sto. Tomas.
Natagpuan ang mga katawan ng mga batang kapatid sa loob ng sira-sirang sasakyan sa harap ng Teng Funeral Services sa Purok 6, R.P. Palad, Brgy. Moras dela Paz.
Huling nakitang buhay ang mga biktima noong hapon ng Hulyo 6 ng isang lalaki na namumulot ng sampalok at talong sa lugar ang nakadiskubre ng mga patay na katawan ng mga biktima.
Ayon sa lalaki, naamoy niya ang mabahong amoy mula sa sira-sirang sasakyan at nang siya’y mag-check, nagulat siya sa nakita niyang dalawang patay na bata sa loob.
Kaagad naman niyang itong ipinaalam sa pulisya.
Kaya naman agad na sinabihan ng ina ng mga biktima at sinabi sa mga imbestigador na kasama ng kanyang mga anak ang kanilang ama na naninirahan sa kalapit na barangay.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon.
