
DALAWANGPU’T -limang (25) akusado ang nahuli ng mga otoridad sa isang araw na operasyon na “Warrant Day” ng Laguna PNP, nitong Oktubre 6, 2022.
Ang Warrant Day ng Laguna PNP ay matagumpay na naipapatupad sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula sa aktibong suporta ng ating komunidad at Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.
Sa ulat ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G Silvio, kay CALABARZON Regional Police Brigadier General Jose Melencio C Nartatez Jr sa kabuuan, pagsasagawa ng 25 operasyon ng Warrant of Arrest ang buong pwersa ng Laguna PNP, na nag resulta sa pagkakahuli ng isang (1) Regional Level most wanted person at dalwangput-apat (24) pang ibang akusado. Ang siyam (9) dito ay Most Wanted person habang ang labing-anim (16) naman ang wanted person.
Kinilala ni Police Colonel Silvio ang isa sa mga nahuli na Regional Level Most Wanted Person na si Jayson Doliente residente ng Santa Maria, Laguna. Arestado ang akusado na si Jayson sa ikinasang joint Manhunt Operation ng Santa Maria MPS at 402nd MC RMFB4A sa ganap na 7:00 ng umaga Oktubre 6, 2022 sa Brgy. Poblacion II, Santa Maria, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Hon. Sheila Marie A Ignacio, Presiding Judge, RTC Branch 80, Morong, Rizal para sa kasong Murder na walang pyansang nirekomenda.
Samantala arestado din ang akusadong si Alvin Catimbang sa hiwalay na operasyon ng Sta Maria Municipal Police Station at 402nd MC RMFB4A ganap na 7:30 ng umaga Oktubre 6, 2022 sa Brgy. Poblacion II, Santa Maria, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas Hon. Sheila Marie A Ignacio, Presiding Judge, RTC Branch 80, Morong, Rizal para sa kasong murder na walang pyansang nirekomenda.
Ang mga naarestong akusado ay nakakulong sa ilalim ng custodial facility ng kani-kanilang operating units, habang ang korteng pinagmulan ng kani-kanilang warrant of arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng mga akusado.
Sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang pagkahuli ng mga akusadong ito ay naging matagumpay dahil sa pagtutulungan ng mamamayan ng Laguna at kapulisan sa pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan sa ating mga himpilan ay masmabilis nahuhuli ang mga akusado na nagtatago dito sa Lalawigan ng Laguna. Kaya nagpapasalamat po kami sa mga taga Lalawigan ng Laguna sa patuloy na pakikipagtulungan sa ating mga kapulisan”.