DUMATING nsa ang ikalwang batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs ) mula sa bansang Israel ngayong Biyernes ng hapon.
Ayon sa Department of Migrant Workers nasa 20 OFW ang lulan ng Etihad airlines kaninang pasado alas 3 ng hapon.
Sinalubong ito ng iba’t ibang kawani ng gobyerno upang masiguro na maging maayos ang kanilang pagbabalik sa bansa.
Makatatanggap ang mga OFWs ng financial assistance, skills training, at iba pa mula sa ibat-ibang sangay ng gobyerno, tulong para sa kanilang pagbabalik sa bansa.